800 lisensya, sinuspinde, binawi ng LTO
- BULGAR

- 6 days ago
- 1 min read
ni Jeff Tumbado @News | June 14, 2026

Photo: File / LTO
Mahigit 800 driver's license ang sinuspinde at tuluyang binawi ng Land Transportation Office (LTO) sa pinahigpit na patakaran ng ahensya.
Ayon kay LTO Chief Assistant Sec. Markus Lacanilao, simula Oktubre 2025 nang simulan ang paghihigpit bilang bahagi ng kampanyang palakasin ang disiplina sa kalsada at matiyak ang kaligtasan ng publiko.
Nabatid na 434 na lisensya ang kanilang binawi habang 396 naman ang sinuspinde mula nang maupo si Lacanilao sa kanyang posisyon.
Sa kabuuang 434 na binawing lisensya, 325 ang kinansela sa loob ng dalawang taon, 15 ang pinatawan ng apat na taong kanselasyon, 94 naman ang tuluyan nang binawi.





Comments