top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

80 proyektong imprastraktura, kayang pondohan ng MIF — P-BBM

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 16, 2023
1 min read

ni Angela Fernando - Trainee @News | November 16, 2023




May hindi bababa sa 80 proyektong imprastraktura ang kayang mapondohan gamit ang Maharlika Investment Fund, ayon sa Pangulong Ferdinand 'Bongbong' Marcos Jr., ngayon.


Pahayag ng Presidente, ang MIF ay karagdagang pagkukunan ng pondo ng bansa para sa mga proyektong ilulungsad ng pamahalaan.


Aniya, ang kanilang mga inihahandang proyekto ay magbibigay ng karagdagang kita at positibong epekto sa lipunan pambansa.


Kasalukuyang may umaabot sa bilang na 80 potensyal na proyekto ang maaaring pondohan ng MIF na may kinalaman sa pagsasaayos ng mga imprastraktura sa ‘Pinas.


Hindi naman ibinahagi ang mga detalye tungkol sa mga nasabing proyekto.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page