8 yrs. old, todas sa killer truck
- BULGAR

- 5 days ago
- 1 min read
ni Mai Ancheta @News | August 29, 2026

Photo: File
Patay ang isang 8-anyos na lalaki matapos maatrasan ng nakaparadang truck habang sugatan ang kanyang lola sa Balamban Public Market, Cebu nitong Miyerkules ng hapon.
Batay sa imbestigasyon, lumabas ang driver ng canter truck matapos ayaw umandar ng sasakyan.
Habang sinisilip umano ng drayber ang baterya ng sasakyan, bigla umanong umandar ang canter van at nahagip ang mag-lola habang tumatawid sa kalsada.
Pauwi na ang maglola mula sa paaralan nang mangyari ang insidente.
Nasagasaan din ng truck ang isang nakaparadang tricycle na nagdulot ng pinsala sa sasakyan.





Comments