78 gasolinahan, bagsak sa BIR

ni Mervin Reyes @News | October 20, 2026

Photo: BIR
Sinelyuhan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang mga fuel pump sa 78 gasolinahan matapos bumagsak sa fuel marking field tests sa gitna ng pinaigting na kampanya laban sa ilegal na kalakalan ng produktong petrolyo.
Ayon sa BIR, 189 gasolinahan sa 10 revenue region ang nainspeksyon hanggang Oktubre 13. Sa bilang na ito, 111 ang pumasa habang 78 o 41.3% ang bumagsak.
May kabuuang mahigit 900,250 litro ng gasolina at iba pang produktong petrolyo ang imbentaryo ng mga nabigong establisimyento, dahilan upang selyuhan ang kanilang mga fuel pump.
Saklaw ng inspeksyon ang CAMANAVA at Bulacan, Maynila at Palawan, Quezon City, East NCR, Makati City, South NCR, Western Visayas, Negros Island, Central Visayas at Eastern Visayas.
Sinabi ni BIR Commissioner Charlito Martin R. Mendoza na patuloy nilang tutukuyin ang pinagmulan ng mga produktong bumagsak sa pagsusuri.





Comments