8 yrs. nang nagsasama… KIM, TANGGAP NA ‘DI PA SIYA KAYANG PAKASALAN NI JERALD
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | January 9, 2023

Eight years na ang relasyon nina Jerald Napoles and Kim Molina at nasa edad na talaga silang magpakasal kung tutuusin. In fact, they’ve been living together already at kasal na lang talaga ang kulang para maging official ang kanilang pagsasama.
Kaya naman sa face-to-face mediacon ng latest movie nila from Viva Films na Girlfriend Na Pwede Na na ginanap recently, isa ito sa mga naitanong sa kanila.
Ayon sa celebrity couple, hindi pa sila parehong ready at this point in time. Hindi pa raw ito ang tamang oras at marami pa silang dapat i-consider sa ngayon before settling down.
Sey nga ni Kim, marami ang nagtatanong sa kanila kung kailan sila ikakasal at siyempre, alam niyang pressure ito on the part of Jerald dahil ito ang lalaki.
“Nape-pressure rin talaga siya with everyone asking, kasi siya ‘yung gagawa. Ako naman, I always see to it that I tell him that ‘I understand your phasing, I understand that you have something that you want for yourself.’
“I’m also like that. Like I know my clock as a woman. My body clock, I know I have that. But I know, alam ko. . . it’s okay.
“Kasi ang dami ko ring gustong gawin, ang daming gustong puntahan.
“But yes po, napag-uusapan namin ang mga bagay-bagay already,” ani Kim.
Isa pa ngang dahilan ay galing tayo sa pandemic at marami rin daw nawala sa kanila dahil dito, kaya kailangan daw muna sigurong mag-ipon pa sila. Pero at least ngayon daw ay unti-unti na silang nakakabawi kaya sana raw ay magtuluy-tuloy.
Bukod dito, hindi pa rin daw sila ready na magkaroon ng baby dahil nga marami pa ring projects si Kim na gagawin.
Sa sinehan ipapalabas ang Girlfriend Na Pwede Na and first theatrical movie ito nina Kim and Jerald since pandemic kaya happy and excited sila na makikita na naman nila ang sarili sa big screen after Jowable.
Directed by Benedict Mique, kasama rin sa movie si Gab Lagman bilang isa rin sa mga leading men.





Comments