top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

8 yrs. na ka-live-in, kaya iniwan…

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 12, 2021
1 min read

HIRIT NG MADLANG PIPOL: JOEM, BINALIKAN LANG SI MERYLL DAHIL SA DATUNG NI WILLIE

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | January 12, 2021




Hindi pa man nagtatagal nang i-post ni Meryll Soriano ang larawan ng kanyang baby na kasama ang kanyang amang si Willie Revillame, iba-iba na ang reactions ng mga netizens.


May nag-comment pa sa social media kung saan sinabing hindi tanggap ni Willie ang nobyo ngayon ng anak niyang si Meryll na si Joem Bascon.


At nagkataon pa na lumabas din ang dating vlog ng ex-GF ni Joem na si Crisha Uy na naging emosyonal sa paghihiwalay nila ni Joem matapos ang walong taon ng kanilang relasyon.


Well, pinangunahan na ng ilang netizens si Willie at pinalutang ang tsika na diumano ay inayawan at hindi boto ang Wowowin host kay Joem Bascon para sa kanyang anak na si Meryll.


At kahit may anak na sina Meryll at Joem, marami ang nagdududa sa sinseridad ng aktor. Kung si Crisha nga raw na 8 years naging karelasyon at naka-live-in ni Joem ay nagawa pang iwan ng aktor, si Meryll raw kaya ay mapapaiba at pakakasalan niya?


May ilang bashers pa ang nagsasabing may ibang intensiyon si Joem kaya niya binalikan ang aktres. Heredera raw kasi ni Willie Revillame si Meryll Soriano!


Well, dapat patunayan ngayon ni Joem na mali ang hinala sa kanya ng lahat.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page