top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

8-yrs. kulong at P5-M multa sa pagtatapon ng waste products sa critical habitats

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 17, 2020
  • 2 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | September 17, 2020



Dear Chief Acosta,


Nagtatrabaho ako sa factory ng sapatos sa aming bayan. Nalaman ko na itinatapon sa isang lugar na nadeklara palang critical habitat ang mga basura kasama ang mga kemikal na ginagamit namin. Sakaling matuklasan ito, ano ang magiging kaparusahan para sa ganitong uri ng pagtatapon ng waste products? – Ashley


Dear Ashley,


Para sa inyong kaalaman, ang batas na nakasasaklaw sa inyong katanungan ay ang Republic Act (R.A.) No. 9147, o Wildlife Resources Conservation and Protection Act. Nakasaad sa Section 27 ng batas na ito na:


“Section 27. Illegal Acts. – Unless otherwise allowed in accordance with this Act, it shall be unlawful for any person to willfully and knowingly exploit wildlife resources and their habitats, or undertake the following acts: x x x
(c) Effecting any of the following acts in critical habitat(s):  
(i) dumping of waste products detrimental to wildlife; […]” 

Samakatwid, ipinagbabawal ng batas ang pagtatapon ng mga waste products na magiging mapanganib at maaaring makasira sa ating wildlife lalo na sa mga nadeklarang critical habitats. Ayon sa Section 25 ng naturang batas, magtatalaga ang Secretary (kalihim ng Department of Environment and Natural Resources [DOLE], o ng Department of Agriculture [DA], o ng mga kalihim ng dalawang [2] nabanggit na mga kagawaran) ng mga critical habitats na hindi kasama sa protektadong lugar sa ilalim ng R.A. No. 7586 o NIPAS Act (National Integrated Protected Areas System Act of 1992). Sa nasabing probisyon ay nakasaad ang mga sumusunod:


“Section 25. Establishment of Critical Habitats. - Within two (2) years following the effectivity of this Act, The Secretary shall designate critical habitats outside protected areas under Republic Act No. 7586, where threatened species are found. Such designation shall be made on the basis of the best scientific data taking into consideration species endemicity and/or richness, presence of man-made pressures/threats to the survival of wildlife living in the area, among others.

Kaugnay nito, nakasaad din sa batas na ang sinumang lumabag ay mapaparusahan ng kulong ng isang taon hanggang walong taon. Maaari ring maipataw ang multa sa halagang P5,000 hanggang P5,000,000.


Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyon na ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page