8 karera lalarga sa MMTCI 2-YO Race
- BULGAR
- Oct 14, 2023
- 2 min read
ni Green Lantern @Renda at Latigo | October 14, 2023
Walong races ang pakakawalan ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) ngayong araw ng Sabado kaya tiyak na masaya ang paglilibang ng mga karerista.
Inaasahang aabangan ng mga karerista ang bakbakan ng limang tigasing batang kabayo sa 2023 PHILRACOM 2-Year-old Maiden Race na ilalarga sa unang karera sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City sa Batangas.
Magtatagisan ng bilis sa distansiyang 1,400 meter race ay sina Masunaga, Polite Bell, Lucky Triple Two, Malibu Princess at Dazzlingab.
Komento ng mga karerista na malaki ang tsansang manalo ni Dazzlingab sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) ni Chairman Reli de Leon.
Samantala, nagpasiklab si Boat Buying matapos manalo sa Andoks Litson Manok and Litson Baka Trophy Race noong Linggo ng gabi.
Sinakyan ni jockey MP Canete, inirehistro ni Boat Buying ang tiyempong 1:26 minuto sa 1,400 meter race sapat upang hamigin ang P300,000.
Dumating na segundo si Go Aydan Go na nagbulsa ng P112,500 habang tersero at pag-apat sina Victoriousprincess at Grand Monarch na sumungkit ng tig-P62,500 at P25,000 ayon sa pagkakasunod.
Ang nasabing karera ay inisponsoran ng Andoks Litson at ng Klub Don Juan De Manila, (KDJM).
Mga Pili ni Green Lantern:
Race 1 - Dazzlingab (5), Polite Bell (2)
Race 2 - Savawani (3), Strong As A Bull (1)
Race 3 - Melania (1), Silver Lining (10), Guerrero Warriors/Maaasahan (3/3A)
Race 4 - Luke Skywalker (6), Full Control (2), Declare For Flare (1)
Race 5 - Sun Dance (4), Nards Bentetres (7), Super Earth (10), Oktubre Katorse (2)
Race 6 - Che Che (6), Christiano (9), Pendant (4)
Race 7 - Don Lucas (9), Ninong/Vavavoom (3/3A), Top Tiger/Sister Moon (2/2A)
Race 8 - Laguna De Bay (6), Doktora (7), Best Offer (13)





Comments