top of page
Search
  • BULGAR

70-anyos na, ayaw na sa Baby No. 3 kay Pauleen... "SARADO NA ANG FACTORY" — VIC

ni Janiz Navida @Showbiz Special | Abril 21, 2024




Naging emosyonal si Bossing Vic Sotto sa surprise birthday celebration na ibinigay sa kanya kahapon ng kanyang Eat… Bulaga! family though sa April 28 pa talaga ang 70th birthday ng TV host-comedian. 


Bukod kasi sa mga warm greetings ng mga kaibigan at nakatrabaho ni Bossing tulad nina Ms. Alice Dixon, Jimmy Santos, atbp., personal na dumating sa studio ng EB! sa TV5 at kumanta pa ang mag-iina ni Bossing na sina Pauleen Luna, Tali at Mochi, mga anak at asa-asawa ng mga ito na sina Danica Sotto at Marc Pingris, Oyo Sotto at Kristine Hermosa, Paulina, at apong si Ondrea Bliss.


Hindi nakarating si Mayor Vico Sotto pero kasama siya sa video presentation na inihanda para kay Bossing.


Of course, nasa studio rin sina Sen. Tito Sotto at Joey de Leon at ang mga Dabarkads na sina Allan K., Jose Manalo at Wally Bayola, Paolo Ballesteros, Miles Ocampo, Atasha Muhlach, Carren Eistrup at Ryzza Mae Dizon (na in fairness, medyo tumangkad na rin pala).


Dahil naka-on air ang EB! nang bumisita kami sa studio kahapon, sumingit lang kami ng interview kay Bossing Vic. 


Hindi raw uso ang regaluhan sa pamilya nila at 'yung magkakasama lang sila na masaya at walang sakit ay sapat na. 


Isa raw ang birthday niya ngayon sa pinakamasaya at meaningful pagkatapos ng maraming pinagdaanan niya sa buhay.


Pero sa kabila ng mga problema, happy vibes lang daw ang sikreto niya para tumagal nang 70 yrs. old na malakas at malusog pa rin at walang iniindang sakit. 


Tinanong nga namin si Bossing Vic kung at his age now, posible pa kayang masundan ng Baby No. 3 ang mga anak nila ni Pauleen na sina Tali at Mochi (na parang mamon sa pagka-fluffy ang mga pisngi at ang sarap-sarap panggigilan, haha!) at diretsong sagot niya, "'Di na siguro, sarado na ang factory," kaya nagkatawanan.


Samantala, natanong din si Vic sa isyung pinagsasabong sila ng katapat na noontime show na It's Showtime sa GMA-7 at aminado si Bossing na parte na ng buhay 'yan at 'yan ang nagbibigay ng kulay sa buhay-showbiz nila.


Pero tulad ni Joey de Leon, nilinaw din niyang, "Never naming sasabihing kaaway. Katapat, kalaban… pero kaaway? Iba 'yung kaaway namin," na wala namang tinukoy kung sino pero siyempre ay open book naman ang nangyari sa kanila ng mga Jalosjos ng TAPE, Inc. na dating producer ng Eat… Bulaga!.


"Alam n'yo na kung sino 'yun," pabiro pang sabi ni Bossing, "iba 'yung kaaway sa kalaban.


Kalaban is a friendly competition. It has always been the case of Eat Bulaga! and It's Showtime. Ilang taon nang magkatapat, mananalo kami, mananalo sila, 'yun ang nagpapasaya ng pananghalian ng mga Pilipino," dagdag pang hirit ng senior citizen nang TV host pero young at heart at always young looking naman.


Natawa rin ang press nang mag-one-liner pa si Bossing ng… "Pero 'yung kaaway, iba 'yun, 'di ko babatiin 'yun."


Oh, ha?! Nabulaga pa ba kayo sa sinabi ni birthday boy? Char!


Anyway, pagkatapos ng birthday celebration ni Bossing Vic, pinaghahandaan na rin ang 45th anniversary celebration naman ng Eat… Bulaga! at ngayon pa lang, tiyak na maraming pasabog na production numbers at papremyo ang noontime show na bentang-benta sa mga Pinoy (mapa-henyo o hindi, hehe!) dito at maging sa buong mundo.


Kaya tutok lang, Monday to Friday, 12NN-12:30 PM at tuwing Saturday, 11:30 AM to 2:30 PM sa TV5.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page