top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

7 yrs. nagtiis, pinakasalan pa rin… CARLA, IBINULGAR NA MAY PROBLEMA SA PAG-IISIP SI TOM

BULGAR
Jun 17, 2022
4 min read

ni Janiz Navida - @Showbiz Special | June 17, 2022



Napuno na ang salop at sa wakas ay binasag na ni Carla Abellana ang kanyang katahimikan sa ilang buwan na ring pinagpipiyestahan ng mga netizens at mga Marites na dahilan ng hiwalayan nila ng mister na si Tom Rodriguez.


Kung matatandaan, shocked ang lahat nang pumutok ang tungkol sa hiwalayan nina Carla at Tom dahil 3 months pa lang silang naikakasal.


Sa isang mahabang mensahe na ipinost ni Carla bilang sagot sa netizen na nagsabi sa kanyang "Kung gusto mong maging masaya ka, mag-usap kayong mag-asawa, sabihin mo sa kanya lahat ng hinanakit mo. Hindi 'yung dine-deadma mo siya,” ibinulgar ni Carla ang mga pinagdaanan sa 7 taong relasyon kay Tom at kung bakit nauwi na sila sa hiwalayan.


Nagsimula ang unsolicited advice ng netizen kay Carla matapos mag-like ang aktres sa 'cheating' post ni Comedy Queen Ai Ai delas Alas.


Laman ng mahabang post ni Carla…


"Opo, nag-like po ako, pero 'yun lang po ang ginawa ko. Hindi ko na po 'yun inulit. Nag-like po ako pero hindi ko po ginawa ng paulit-ulit at ng matagal. Ang taong lubos na nasaktan, hirap pong pigilang hindi ilabas ang galit sa anumang paraan.


"I was disrespected. I was betrayed. I was lied to. I was used. I was shamed. I was made to look so stupid. Kung sana hanggang du'n lang po, makakabangon din po ako balang-araw."

Hindi klaro ang tinutukoy ni Carla kung paano siya 'binastos, tinraydor, ginamit at pinagmukhang tanga' ni Tom dahil wala namang detalyeng ibinigay ang aktres.


Pero nakakaintrigang dagdag pa nito, "Pero para gawan pa po ako at ang pamilya ko ng mas marami pang kasamaan at kataksilan sa mga sumunod na araw, linggo, at buwan, sobra sa sobra na po ang sakit at pagdurog ng puso at pagkatao ko.


"Wala po akong ibinigay kay Tom kundi tunay na pagmamahal, respeto, pag-aalaga, pag-aaruga, pag-unawa, pagtitiis, sangkatutak na pagpapatawad, milya-milyang pasensya, paniniwala, pagtiwala, pag-aasikaso, pagprotekta, lahat-lahat na."


Kasunod nito ang makahulugang sinabi ni Carla na kung tama ang pagkakaunawa namin — maging ng mga readers — sa tinutukoy ng aktres, dapat ay nagpatingin sa psychiatrist si Tom dahil may attitude problem ito.


"Binigay ko po buong buhay ko sa kanya. 7 na taon po akong bawal magalit, magtampo, masaktan, mabigo, malungkot, madismaya dahil hindi po pwede. Makakatikim po ako kahit subukan ko pong ipaliwanag sa kanya na nasasaktan niya ako at hindi po tama ang mga ginagawa niya.


"Paulit-ulit ko pong pinapaalala sa kanya na hindi po ako kalaban at mabuti po ang kalooban at intensyon ko. 7 na taon pong naipon sa loob ko lahat 'yun. Gustuhin at kailangan ko man pong ilabas, lubos na nakakakatakot po. Ilang beses ko po siyang hinikayat na magpatingin, magpagamot, at magpagaling dahil 'yun din po ang gumana sa akin. Pero wala pa rin po. Tinanggap ko pa rin po siyang ng walang pagdududa kahit wala pong pagbabago. Hinarap ko po siya sa altar. Buong puso po akong determinadong alagaan ang pagsasama at pagmamahal namin, at panindigan ang mga sinumpaan namin sa harap ng Diyos.


"Sa dami po ng ibinigay ko kay Tom, wala na pong natira sa 'kin. Galit, pride, at ego ko, siya na rin po ang kumuha sa 'kin at hinayaan ko naman pong kunin din po niya. Pinaglaban ko po siya ng lagpas sa 7 na taon. Kahit po kung tutuusin, wala pa po 'yung pag-like sa iilang comments na 'yun kumpara po sa nagawa niya sa akin at sa aming lahat, at sa lahat-lahat pa po ng ginawa niya at ginagawa niya."


Gayunman, sa kabila raw ng mga naranasan niya kay Tom, hindi niya naisip na gumanti sa mister.


"Sa lala po ng sakit, pambabastos, panloloko, pandudurog, paninira, panggagamit at pagtataksil po niya, mga tinago niya, napakadali pong ibalik sa kanya sa paraan ng pagganti. Pero hindi po ako ganu'n. Hindi po ako bobo. Hindi po ako lalaban kahit tapak-tapakan na po ako nang husto. Hindi po ako mababaw.


"Hindi po ako masamang tao. Kung ano po ang nakikita, naririnig, at nababasa ninyo online ay kakarampot lang po ng hindi po ninyo nakikita, naririnig, at nababasa kapag wala pong kahit anong camerang naka-record. Kapag sarado na po ang pinto sa pamamahay po namin at wala na pong ibang nakakakita. Hindi po ako masamang tao tulad ng sinasabi, nararamdaman, naririnig, at nakikita po ninyo online, sa TV, etc… Pinalaki po ako ng nanay at lola ko na marunong rumespeto, umunawa, magmahal, magpatawad, magpasalamat, magpakumbaba, at higit sa lahat, may takot po sa Diyos."


Oh, ha? Ang bibigat ng mga pinakawalang salita ni Carla.


Ang ipinagtataka lang namin, natiis naman pala niya 'yung 7 taon na nasasaktan siya sa mga ginagawa ni Tom, eh, bakit 3 buwan pa lang silang kasal, nag-file na siya ng annulment sa mister?


At kung may katotohanan 'yung kuwento ni kapatid na Ogie Diaz sa kanyang Showbiz Update vlog na isang araw na umuwi si Tom ay nadatnan na lang niyang nasa labas na ng bahay ang lahat ng gamit niya at pinalalayas na siya ni Carla dahil lang may nabasa raw itong mensahe ng babaeng nagpi-flirt kay Tom kahit kung tutuusin ay 'di pa naman pala confirmed 'yun, aba'y nakakapagtaka na ganu'n kabilis nagdesisyon ang aktres na maghiwalay na sila, devah?


And for sure, marami ring maaawa at makikisimpatya kay Tom kung totoo rin 'yung info na nakarating kay Ms. O (Ogie Diaz) na kaya walang shows ngayon si Tom sa Pilipinas at kaya lumayas ng bansa at nakitira muna sa mga kaibigan sa US ay dahil hinaharang diumano ng kampo ng kanyang misis ang mga proyektong ibibigay sa aktor.


Oh, 'di ba't pang-teleserye ang mga ganap sa buhay nila at nawindang tayong lahat?


Hay, nakakapanghinayang lang dahil 'yung love na nakita namin sa mga mata nila sa loob ng 7 taon hanggang sa nakasal sila, ngayon ay naglaho na at masasakit na salita na lang ang naririnig natin.


Ang saklaaaaap lang, devah?!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page