top of page
Search
  • BULGAR

7 yrs. nag-date bago na-engaged… ANNE AT ERWAN, NAG-LIVE-IN MUNA BAGO NAGPAKASAL

ni Beth Gelena @Bulgary | May 2, 2024



File photo
File photo: Anne Curtis / FB

AYON kay Anne Curtis, nag-live-in umano sila ni Erwan Heussaff bago nagpakasal at pitong taon munang nag-date bago naging engaged. 


Sila ang patunay na ang “relationship goals” ay hindi lang basta hashtag.


Isa sa mga kinaiinggitang showbiz couples sina Anne at Erwan dahil ang relasyon nila bilang mag-asawa ay almost perfect. 


Bilang indibiduwal ay may kani-kanya silang lakad, pero alam nilang at the end of the day, ay magkasama sila.


Nag-umpisa ang relasyon nina Anne at Erwan noong 2009 nang maging crush ng aktres si Erwan matapos makita sa isang bar. 


Noong unang pagkikita nila, hindi pa nila inaasahang mahuhulog ang loob nila sa isa’t isa. 


Yumabong ang pagmamahalan ng celebrity couple hanggang sa mag-propose si Chef Erwan sa TV host-actress.


Ang kanilang engagement announcement ay mala-fairytale. 


Aside sa pagiging chef, isa ring content creator at storyteller si Erwan. Kaya, ginawa niya ang proposal nang naka-video, kung saan pinalabas niya na travel vlog lamang nila ito ni Anne. 


Sa gitna ng autumn leaves and trees sa Connecticut, tinanong niya si Anne at ang gusto niyang marinig mula sa aktres ay "YES!"


Sa isang episode naman ng It’s Showtime, na-discuss ng mga hosts ang tungkol sa pagli-live-in bago ang kasal. 


Nagtanong si Anne, “Naniniwala ba kayong dapat bang mag-live-in muna bago ikasal?”


Si Vhong Navarro ang unang sumagot. Aniya, pabor sa kanilang mag-asawa dahil mas nagkakilala silang mabuti bago ikinasal, at ngayon ay happily married na sila. 


Pag-amin din ni Anne, nag-work daw sa kanila ni Erwan ang nagsama bago ang kasal.


Ginawa nila ito ngunit hindi nila hinihikayat ang lahat na gayahin ito, depende pa rin sa magkarelasyon.


Sina Anne at Erwan ay ikinasal nu’ng 2017 sa Queensland, New Zealand. Isa itong star-studded event dahil kahit sa ibang bansa ikinasal ang couple ay um-attend halos lahat ang mga kaibigan nilang celebrities. 


Ngayon ay may isa na silang anak, ang 4 years old na si Dahlia.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page