7 team, magbabakbakan sa Spiker's Turf Open
ni VA - @Sports | August 28, 2022

Pitong koponan ang magtutunggali sa pagbabalik ng Spikers’ Turf makaraan ang matagal na pagkakahinto sa pagbubukas ng Open Conference sa darating na Martes-Agosto 30 sa Paco Arena sa Manila.
Pangungunahan ng reigning back-to-back champion Cignal ang mga kalahok na kinabibilangan ng Philippine Army, PGJC-Navy , VNS, mga school-based clubs National University-Sta. Elena at Ateneo-Fudgee Barr at newcomer Sta. Rosa City.
Maglalaro ang mga teams sa single round robin eliminations kung saan ang top 4 ay uusad sa semifinals na isa uling round robin phase. Ang top two teams ang magtutuos sa best-of-three series habang ang bottom two ay maglalaban para sa bronze medal.
Ang HD Spikers na namayani kontra Air Force Jet Spikers para makamit ang Reinforced at Open titles noong 2019 bago nagkaroon ng mahabang break sanhi ng pandemic ay inaasahang pamumunuan nina Marck Espejo at Ysay Marasigan.
Sisimulan nila ang kampanya para sa target na ika-anim na franchise title sa opening game ganap na alas-2:30 ng hapon kontra Sta. Rosa Lions bago ang ikalawang laro tampok ang VNS laban sa Ateneo-Fudgee Barr’s ganap na alas-5:30 ng hapon.
Magsisimula ang semis sa Setyembre 24 habang ang finals ay sa Oktubre 1.
Mga laro sa Martes Paco Arena 2:30 p.m. – Sta. Rosa vs Cignal 5:30 p.m. – VNS vs Fudgee Barr





Comments