7 pang NBA players, positive sa COVID-19
- BULGAR

- Mar 5, 2021
- 2 min read
ni Anthony E. Servinio - @Sports | March 5, 2021

Pitong manlalaro ng NBA ang pinaka-latest na nagpositibo sa COVID-19 sa 456 players na una nang na-test na positive sa virus nitong nakaraang Linggo, ayon sa NBA.
Hindi naman pinangalanan ng liga ang mga nagpositibo pero lahat nang nakasalamuha nito ay inilalagay na sa isolation o ikinu-quarantine hanggang bigyan ng clearance ng NBA. Kasama naman sa listahan ng mga hindi makapaglalaro dahil sa kulang ang kanilang team ay sina Spanish center Marc Gasol ng Los Angeles Lakers, New York star Derrick Rose at Jabari Parker at Hassan Whiteside ng Sacramento Kings.
Sa mga laro, nakaganti ang Philadelphia 76ers sa Utah Jazz sa overtime, 131-123, sa tapatan ng mga numero unong koponan ng NBA Eastern and Western Conference kahapon sa Wells Fargo Center. Nanatili pa rin ang 76ers sa tuktok ng East matapos ang panalo ng bisitang Brooklyn Nets at James Harden sa Houston Rockets, 132-114.
Ipinasok ni All-Star Joel Embiid ang tres na may 6.5 segundo nalalabi sa fourth quarter upang itabla ang talaan at maglaro ng lima pang minuto, 118-118. Tinalo ng Jazz ang 76ers, 134-123, noong Pebrero 15 sa Vivint Arena.
Pinarangalan ng Rockets si Harden sa kanyang serbisyo sa koponan mula 2012 hanggang 2021. Trabaho lang at walang personalan ang 2018 MVP at nagtala ng triple double sa 41 minuto at sinundan ni Kyrie Irving na may 24 puntos.
Sumaksak para sa 2 puntos si Harrison Barnes na may 30 segundo sa laban at sinundan ng dalawang free throw upang makatakas ang bisitang Sacramento Kings sa defending champion Los Angeles Lakers, 123-120. Nanguna para sa Kings si Buddy Hield na may 29.
Nanaig si Stephen Curry sa personal na tapatan nila ni Damian Lillard subalit nakuha ni Lillard at Portland Trail Blazers ang mas mahalagang panalo sa Golden State Warriors, 108-106.
Walang kabang ipinasok ni Malcolm Brogdon ang dalawang free throw na may isang segundo sa orasan upang masigurado ang 114-111 tagumpay ng Indiana Pacers sa Cleveland Cavaliers. Nanguna si Brogdon na may 29 puntos.





Comments