7-anyos na anak nina Dra. Belo at Hayden… SCARLET, GUSTONG MAGING PULIS O BUMBERO
ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | May 29, 2022

Sa unang pagkakataon ay may one-on-one interview si Dra. Vicki Belo sa panganay nila ni Doc Hayden Kho na si Scarlet Snow Belo para sa kanyang YouTube channel.
Gustong mas ipakilala ng proud mommy ni Scarlet Snow ang anak sa publiko kung ano ang mga hilig nito, paboritong subjects sa school, dream nito paglaki at iba pa.
At dito namin nalamang mahilig pala sa dogs ang 7-year-old kid kaya naman ang pangarap niya paglaki ay maging police officer.
“I want to have a dog that’s why I want to be a police or a firefighter because they have dogs or I want to be anything, I just want to be an owner,” paliwanag ng bagets sa panayam sa kanya ng ina.
Balik-tanong ni Dra. Vicki, “Why do you love dogs so much?”
“Because dogs are my second favorite from Pokemon, but there’s no such thing as Pokemon, I choose dogs,” paliwanag ni Scarlet Snow.
Ipinakita sa vlog na may tatlong alagang imported dogs si Scarlet na ang mga pangalan ay Skay, Jacky and Macky.
Si Skay ang paborito ni Scarlet na tila isinunod pa sa pangalan niya at marunong ng iba’t ibang tricks na itinuturo rin nito.
Samantala, bukod sa pag-aalaga ng dogs niya ay isa rin sa mga hobbies ng anak nina Doc Vicki at Hayden ay fishing at baking.





Comments