69-anyos na caretaker kinatay, naaagnas na

ni Levi Gonzales @News | October 21, 2026

Photo: File
Natagpuang patay at naaagnas na ang katawan ng 69-anyos na caretaker na hinihinalang pinatay sa Brgy. Cupang, Antipolo City, Rizal.
Nagtamo ng mga taga sa leeg at tiyan ang biktimang si alyas Wilfredo, na namumuhay nang mag-isa sa lugar.
Naaresto naman ang 21-anyos na si “Angelo,” na umano’y ilang beses nang nakabangayan ng biktima bago ang insidente.
Lalong nagbigay-pansin sa mga imbestigador ang pahayag umano ng suspek sa isang saksi noong Oktubre 18 na, “Tapos ko na siya. Ginilitan ko sa leeg at sa tiyan.”
Patuloy pa rin ang imbestigasyon upang matukoy ang buong pangyayari sa krimen.





Comments