top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

68 preso patay sa riot sa selda sa Ecuador

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 15, 2021
1 min read

ni Jasmin Joy Evangelista | November 15, 2021



Umabot sa 68 preso ang namatay at 25 ang sugatan sa naganap na riot sa Litoral Penitentiary sa Guayaquil City, Ecuador na nagsimula noong Biyernes nang gabi.


Ayon sa Police tactical units na pumasok sa kulungan, natagpuan nila ang mga baril, explosives, at blades na ginamit sa insidente.


Na-identify na ng mga awtoridad ang 34 inmates na nasawi at isa-isa nang sinasabihan ang pamilya sa sinapit ng kanilang kaanak.


Nagtipon naman ang mga kapamilya at kaibigan ng mga preso sa labas ng jail facility upang humingi ng impormasyon tungkol sa kanilang mahal sa buhay na nasa kulungan.


Tinawag ni Ecuador President Guillermo Lasso ang nasabing insidente bilang “crisis cabinet” at tiniyak ang agarang pag-iimbestiga.


Magugunitang noong Setyembre ay mayroong naganap din na riot sa nasabing piitan na ikinasawi ng 118 katao.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page