top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

62 yrs. kulong dahil sa ghost employees… SIGAW NI RODERICK: 'WAG N'YO 'KONG PAGPIYESTAHAN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 4, 2022
  • 1 min read

ni Julie Bonifacio - @Winner | December 4, 2022


Pagkatapos sumambulat ang ‘guilty verdict’ ng Sandiganbayan sa graft and falsification by a public officer case kay Roderick Paulate nu'ng Biyernes, nagpahatid ng mensahe ang aktor at dating Quezon City councilor sa kanyang mga kaibigan sa showbiz.


Nakiusap si Roderick sa publiko na huwag pagpistahan ang naging hatol sa kanya ng Sandiganbayan.


Tulad ng ibang demanda sa korte, may mga proseso pang pagdaraanan ang ibinabang desisyon ng Sandiganbayan sa kanyang kaso.


Maaari pa naman daw maghain ng apela ang aktor at nakahanda raw si Roderick na mag-file ng motion for reconsideration.


Pinaninindigan daw ni Roderick na hindi totoo ang mga akusasyon sa kanya at marami rin naman sa mga taga-showbiz ang ‘di makapaniwala na magagawa ni Roderick ang mga ibinibintang sa kanya.


Kalurky ‘yung 62 taong pagkakakulong if walang mangyari sa apela ni Roderick. And Roderick is 62 years old now, hah?!


Anyway, nahingan namin ng mensahe ang direktor ni Roderick sa pelikula niyang Mudrasta na si Direk Julius Alfonso.


Matagal nang tapos gawin ni Dick ang Mudrasta at naghihintay na lamang ng playdate ang movie produced by TRex Films ni Rex Tiri.


Narito ang mensahe sa amin ni Direk Julius, “Waiting for TRex's decision. Hoping for the best.”

True!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page