top of page
Search
  • BULGAR

6 yrs. kulong, P30K multa sa pagmamay-ari ng chainsaw nang walang permit

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | November 29, 2023




Dear Chief Acosta,


May ibinebenta ang aking kapitbahay na chainsaw o pamutol ng punong-kahoy. Pinag-iisipan ko itong bilhin dahil maaari ko itong magamit. May nakapagsabi sa akin na bawal diumano ang magmay-ari ng chainsaw nang walang kaukulang permit. Totoo ba na kailangan ko pang kumuha ng permit para magmay-ari ng chainsaw? - Miguel





Dear Miguel,


Para sa iyong kaalaman, ang batas na nakasasaklaw sa iyong katanungan ay ang Republic Act No. 9175 (RA No. 9175), na mas kilala sa tawag na “Chainsaw Act of 2002”. Nakasaad sa Section 5 ng batas na ito na:


“Section 5. Persons Authorized to Possess and Use a Chain Saw. - The Department is hereby authorized to issue permits to possess and/or use a chain saw for the felling land/or cutting of trees, timber and other forest or agro-forest products to any applicant who:

(a) has a subsisting timber license agreement, production sharing agreement, or similar agreements, or a private land timber permit;

(b) is an orchard and fruit tree farmer;

(c) is an industrial tree farmer;

(d) is a licensed wood processor and the chain saw shall be used for the cutting of timber that has been legally sold to said applicant; or

(e) shall use the chain saw for a legal purpose.


Agencies of the government that use chain saws in some aspects of their functions must likewise secure the necessary permit from the Department before operating the same.”


Samakatuwid, pahihintulutan lamang ang isang tao na magmay-ari ng chainsaw kung siya ay kabilang sa mga nakasaad sa batas at kung siya ay may kaukulang permit mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR). Nilalayon ng nasabing batas na pangalagaan ang ating mga kagubatan mula sa ilegal na pagputol ng mga puno kaya nililimitahan nito ang mga taong dapat magmay-ari ng chainsaw.

Kaugnay nito, nakasaad din sa batas na ito na ang sinumang lumabag sa mga probisyon nito ay maparurusahan ng pagkakakulong ng apat na taon, dalawang buwan at isang araw hanggang anim na taon, o multa na may halagang P15,000.00 hanggang P30,000.00. Maaari ring maipataw ang parehong kaparusahan batay sa diskresyon ng korte at ang chainsaw ay kukumpiskahin ng gobyerno. (Section 7a)


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page