6 yrs. daw palamunin kaya pinalayas… POKWANG, IDEDEMANDA NA ANG PADIR NG ANAK
- BULGAR
- Feb 1, 2023
- 1 min read
ni Nitz Miralles @Bida | February 1, 2023

Mukhang magkakademandahan sina Pokwang at Lee O’Brian dahil sa sagot ng komedyana sa netizen na nag-comment na talakera raw si Pokwang kaya iniwan.
Sagot ni Pokwang, “T*nga, nagising lang ako sa katotohanan na anim na taon ko na pala siyang palamunin at limang taon na walang child support! 'Wag ka na, baka madamay ka sa demandahan namin, hahahaha!”
Patuloy ni Pokwang, hindi siya ang iniwan.
“Bwahahaha! Tanungin mo siya bakit ko siya pinalayas!!! Tanungin mo now na! Dalahirang Marites, B*BA naman!!!”
May nabanggit pa si Pokwang na baka kaya ipinagtatanggol si Lee dahil baka kaibigan nito ang babaeng involved.
“Pakisabi, congrats, nagtagumpay siya na wasakin ang puso ng anak namin na nangarap na mabuo kaming muli!”
Nagtagumpay ang netizen na galitin si Pokwang at nalaman tuloy ang dahilan ng paghihiwalay nila ni Lee at may mga nabanggit pa si Pokwang.
Naawa ang mga netizens sa sinabi ni Pokwang na nangarap si Malia na mabuo uli sila dahil parang malabo.
Samantala, ipapa-rent pala ni Pokwang ang summer house niya sa Camaya Coast simula next year. Nagpa-booking na nga si Nelson Canlas ng GMA-7 at interesado rin si Rhian Ramos at marami ang nagtatanong kung magkano ang magpa-book sa La Casa Malia. By next year, ready na ang summer house to accommodate guests.
In fairness, two weeks nang laging nasa balita si Pokwang at mukhang magtutuluy-tuloy kapag nagkademandahan na ang ex-couple.





Comments