6 todas sa drone attack sa US military base sa Syria

ni Angela Fernando - Trainee @News | February 7, 2024

Nasawi ang 6 na katao sa isang drone attack na ginawa laban sa pinakamalaking United States (US) military base sa Syria.
Kaalyadong Kurdish-led fighters ang napatay sa naganap na pag-atake na kinumpirma ng Syrian Democratic Forces (SDF).
Nangyari sa Commado Academy sa al-Omar oil field sa Deir al-Zour province ang pag-atake na isang Iran-backed militia umbrella group ang umakong nanguna sa engkwentro.
Ito ang pangalawang pag-atake matapos na umpisahan ng US ang mga atake upang labanan ang Iran-backed group sa Iraq at Syria.





Comments