top of page
Search
  • BULGAR

6 patay, 11 sugatan sa chemical leak sa planta

ni Ronalyn Seminiano Reonico | January 29, 2021



Patay ang 6 na katao at 11 ang sugatan sa naganap na liquid nitrogen leak sa food-processing plant na malapit sa Atlanta, USA noong Huwebes bandang alas-10 nang umaga, ayon sa awtoridad.


Naganap ang insidente matapos pumutok ang liquid nitrogen line sa poultry processing plant na Prime Pak Foods kung saan aabot sa 130 katao ang inilikas, ayon sa company vice-president na si Nicholas Ancrum.


Pahayag ng pulis mula sa Gainesville, Georgia, may "5 fatalities confirmed on the scene" at 12 katao ang isinugod sa ospital kabilang na ang isang bumbero dahil sa respiratory injuries.


Ayon kay Zachary Brackett ng Hall County Fire Services, isa ang binawian ng buhay sa ospital. Kritikal naman ang 3, 5 ang nasa “fair condition” at 3 ang maigi na ang kalagayan.


Samantala, hindi naman nagkaroon ng pagsabog sa naturang chemical leak at inaalam pa ng awtoridad ang sanhi nito sa isinasagawang imbestigasyon. Saad ni Ancrum, "Until the investigation is completed we can't say... how this accident occurred." Ayon din kay Ancrum, kabilang sa mga namatay na empleyado ay ang maintenance workers, supervisors at managers.


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page