top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | November 21, 2021



Sugatan ang tatlo katao matapos aksidenteng pumutok ang bitbit na baril ng isang pasahero sa airport ng Atlanta.


“Early reports indicate three people sustained non-life-threatening injuries,” pahayag ng Transportation Security Administration (TSA).”


Ang insidente ay nagdulot ng pagpa-panic ng mga pasahero at pansamantalang pagsuspinde sa ilang mga flights sa nasabing airport.


Pinaghahahanap na ngayon ang pasaherong may bitbit ng armas matapos nitong tumakas.


Nangyari ang gun discharge bandang 1:30 p.m. habang nagsasagawa ng screening point ang isang empleyado dahil sa nakitang prohibited item sa X-Ray machine.


“He advised the passenger not to touch the property, and as he opened the compartment containing the prohibited item, the passenger lunged into the bag and grabbed a firearm, at which point it discharged,” dagdag na pahayag ng TSA.


Patuloy ang ginagawang imbestigasyon hinggil sa insidente.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | January 29, 2021




Patay ang 6 na katao at 11 ang sugatan sa naganap na liquid nitrogen leak sa food-processing plant na malapit sa Atlanta, USA noong Huwebes bandang alas-10 nang umaga, ayon sa awtoridad.


Naganap ang insidente matapos pumutok ang liquid nitrogen line sa poultry processing plant na Prime Pak Foods kung saan aabot sa 130 katao ang inilikas, ayon sa company vice-president na si Nicholas Ancrum.


Pahayag ng pulis mula sa Gainesville, Georgia, may "5 fatalities confirmed on the scene" at 12 katao ang isinugod sa ospital kabilang na ang isang bumbero dahil sa respiratory injuries.


Ayon kay Zachary Brackett ng Hall County Fire Services, isa ang binawian ng buhay sa ospital. Kritikal naman ang 3, 5 ang nasa “fair condition” at 3 ang maigi na ang kalagayan.


Samantala, hindi naman nagkaroon ng pagsabog sa naturang chemical leak at inaalam pa ng awtoridad ang sanhi nito sa isinasagawang imbestigasyon. Saad ni Ancrum, "Until the investigation is completed, we can't say... how this accident occurred." Ayon din kay Ancrum, kabilang sa mga namatay na empleyado ay ang maintenance workers, supervisors at managers.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page