top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

6 na kabayo sasalang sa Pasay City Racing Festival

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 18, 2021
2 min read

ni Green Lantern - @Renda at Latigo | December 18, 2021



Anim na tigasing kabayo ang magpapabilisan sa 8th Pasay "The Travel City" Grand Cup na ilalarga ngayong araw ng Sabado sa Metro Manila Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas.


Inaasahang magiging kalat ang bentahan dahil balanse ang line up ng nasabing karera na may distansiyang 1,600 meter race.


Ayon sa mga karerista, napipisil nila ang kalahok na si Great Wall na sasakyan ni RD Raquel, pero marami rin pumipili sa magka-kuwadrang Tony's Love at American Factor.


Rerendahan ni AS Pare si Tony's Love habang si Pabs Cabalejo ang gagabay kay American Factor, maliban kay Greatwall, ang ibang kasali sa karera na may P500,000 guaranteed prize ay sina Full Stream, Raintreestarlet at Son Also Rises.


Suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM), ang hahamigin ng mananalong kabayo ay P300,000, mapupunta ang P112,500 sa pangalawang puwesto habang tig-P62,500 at P25,000 ang makokopo ng 3rd at 4th placers ayon sa pagkakasunod.


Tampok din ang 8th Pasay City Tony Calixto Cup, ang 8th Emi Calixto-Rubiano Cup, at ang 7th Duay Calixto Memorial Cup. May kabuuang premyo na P350,000 sa mga maglalaban Stand By Me (JB Hernandez), Shanghai Silk (JB Guce) Lovely Julliane (KB Abobo), Bomod ok Falls (JB Bacaycay), Lal Liga Filipina (AR Villegas), at Enzo (JA Guce).


Samantala, nagpasiklab si Flattering You noong Linggo matapos manalo sa Presidential Gold Cup Division II. Sinakyan ni class A rider Kelvin Abobo, umarangkada agad sa unahan si Flattering You paglabas ng aparato.


Nakakapit muna si Hook On D Run sa kaagahan ng laban pero pagsapit ng far turn ay umungos na ng apat na kabayo si Flattering You. Pero nabigyan ng magandang laban si Flattering ng rumemate sa rektahan sina All Too Easy at Stayinthemoment. Nanatili naman ang tikas ni Flattering You at nanalo ito ng may isang kabayo ang agwat sa nasegundong All Too Easy.


Inilista ni Flattering You ang 1:40.2 minuto sa 1,600 meter race, ibinulsa ng horse owner na si Melanie Habla ang P600,000 premyo. Pangalawang tumawid sa meta si All Too Easy, tersero si Stayinthemoment habang 4th si Hook On D Run.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page