6 katao pinagbabaril sa subway sa New York
- BULGAR

- Feb 13, 2024
- 1 min read
ni Eli San Miguel - Trainee @News | February 13, 2024

NEW YORK CITY — Iniulat ng pulisya ng New York City nitong Lunes na anim na tao ang binaril sa isang subway station sa Bronx.
Isang tao ang namatay at lima pang iba ang nasugatan.
Sinabi ng spokesperson ng New York Police Department na wala pa ring naaaresto sa pamamaril.
Ayon naman sa hindi pinangalanang police source, hindi nakamamatay ang natamong pinsala ng limang nasugatan.
Nagpapakita ang mga bagong datos na bihirang mangyari ang mga krimen sa subway system, na sa halos 3.8 milyong biyahe sa isang karaniwang araw ng linggo, mayroong 570 felony assaults na iniulat ang Metropolitan Transportation Authority noong 2023.
Nagsimula lamang sa panahon ng pandemya ang pag-usbong ng mga alalahanin tungkol sa kaligtasan sa subway dahil tumaas ang crime rates noong umpisa ng 2020 ngunit bumalik naman ito sa normal na antas noong 2021. Bagaman bumaba ang krimen, nananatili pa rin ang takot ng mga pasahero.
Naghahangad si Mayor Eric Adams, isang Democrat at dating police captain ng lungsod, na magbigay-katiyakan sa mga nababahalang pasahero sa pamamagitan ng pagpapataas ng bilang ng mga pulis sa mga subway station.





Comments