top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

6 AM pa lang, nagtatanong na ng latest… IBINUKING NI ERIC: SUSAN, ORIG MARITES NG SHOWBIZ

BULGAR
May 28, 2022
2 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | May 28, 2022



Noong huling gabi ng burol ng yumaong Movie Queen na si Susan Roces, maraming memorable na kuwento ang ilang celebrities sa eulogy. Nag-share ng kani-kanilang alaala ang mga nakatrabaho ni Swanie (Susan) na sina Boots Anson-Rodrigo, Helen Gamboa, Eddie Gutierrez, Maricel Soriano, Roderick Paulate, atbp..


Marami ring naging rebelasyon ang anak niyang si Sen. Grace Poe tungkol sa kanyang Nanay Susan. Si Helen, lagi raw niyayaya ni Manang Inday na mag-nap muna kapag break sa kanilang teyping ng seryeng Walang Hanggan.


Si Maricel Soriano, sobrang napalapit kay Susan nang magkatrabaho sila sa sitcom na John en Shirley, ganu'n din sa pelikulang Inday, Inday sa Balitaw.


Hindi rin makakalimutan ng Diamond Star nang pumayag na mag-guest si Swanie sa Maricel Drama Special. At lagi niyang tinatandaan ang payo sa kanya ng Movie Queen na manatiling tahimik kapag may mga taong humuhusga sa kanya. Ang Diyos na raw ang bahalang dumepensa sa kanya.


Advise rin ni Manang Inday kay Marya na laging magtitira para sa kanyang sarili at huwag todo-bigay sa iba.


Hindi naman malilimutan ni Roderick Paulate na binilhan siya ng mga laruan sa Arcegas ng aktres nang magkasama sila sa isang pelikula. Nakita kasi ni Susan na nalungkot siya nang bawiin ang hiniram niyang raketa. Hindi makapaniwala si Roderick na may mga taong mababait sa showbiz, kaya natuto na rin siyang maging mabait sa lahat.


Samantala, marami ang natawa-naaliw sa biro ni Eric Quizon kay Susan Roces na si Mrs. Poe raw ang original na “Marites” ng showbiz dahil laging updated sa mga kaganapan sa buhay-buhay ng mga celebrities.


Araw-araw daw, as early as 6 AM ay tumatawag na si Manang Inday sa kanyang manager na si Dolor Guevarra upang makibalita sa mga latest news sa showbiz. Tinatanong din niya kay Dolor kung sinu-sino ang blind item ni Ricky Lo (SLN) ng Philippine Star. Inaalam din niya kung sinu-sino ang mga showbiz couples na naghiwalay.


Well, ayon na rin kay Eric Quizon, ang tunay daw na pangalan ni Susan Roces ay Maria Theresa (Maritess for short).


Ang huling pagkikita nila ng Movie Queen ay noong event ng PhilPost kung saan binigyan ng pagkilala ang mga living legends ng showbiz at ginawaran ng commemorative stamp. Si Eric ang direktor sa ginanap na programa ng Philpost.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page