top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

6,000 katao ang naayudahan ng survival fund, ayos!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 20, 2021
2 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | July 20, 2021



Hindi ordinaryong krisis ang nararanasan ngayon.


Kumbaga, survival of the fittest.


Matira ang umatibay.


Hindi pag-unlad o progreso ang isyu, kundi maka-survive lang ay okay na!


◘◘◘


NAPAKAHALAGA ng P10-K ayuda.


Survival fund ang tawag d’yan.


◘◘◘


PINATINDI pa ito ng P3, 500 ayuda ng grupong BTS ni ex-Speaker Peter Alan Cayetano sa mga sari-sari store.


P2, 500 sa operational capital at P1,000 sa kagamitang bubuhay sa patay nang micro industry!


◘◘◘


HINDI simpleng diskaril ang ekonomiya tulad ng ordinaryong depression o recession.


Sa normal na sitwasyon, bagkus ay stagnant economy ang ating kinasadlakan!


◘◘◘


HINDI sa ordinaryong pusali nabalaho ang ekonomiya kundi sa kumunoy.


Kailangan sagipin at saklolohan ang ordinaryo negosyo, pamilya at indibidwal na nasa bingit ng panganib!


◘◘◘


UMABOT na sa 6,000 katao ang naayudahan ng survival fund at target na masagip ang 50,000 benepisaryo sa buong bansa.


Nakatikim na ng tulong ang mga taga-Baguio, Dagupan, Bulacan at Olongapo.


Target din na saklolohan ang OFWs, magsasaka at mga kapatid na Muslim na nagdarahop!


◘◘◘


SA lalawigan ng Quezon, dumaraing ang mga frontliners, health workers at kawanin ng provincial.


Governments dahil sa kapos na benepisyo.


Binawasan ang budget para sa kanila at inilipat sa imprastruktura!


◘◘◘


SA pagbusisi sa badyet, ibinunyag ng grupo ng mga board members ang pagkaltas sa badyet ng health.


Inilipat sa mga kadudang infrastructure project tulad ng basketball court sa 2021 na panahon ng pandemic!


◘◘◘


INUURIRAT ng mga bokal si Gob. Danny Suarez kung bakit hindi malinaw at espesipiko kung saan ilalaan ang P200 hanggang P300-M badyet.


Taliwas ito sa direktiba ng DILG na dapat malinaw kung saan gagastusin ang mga naturang alokasyon!


◘◘◘


NAGTATAKA ang mga bokal kung bakit may aberya sa pasuweldo sa kapitolyo gayung reenacted ang budget?


Nasaan ang pondo?


◘◘◘


NAGTATANONG ang mga taga-Quezon.


Nasaan ang pondo para sa mga kawani at pandemic fund, lalo sa mga equipments kontra virus?


◘◘◘


KAILANGANG masaklolohan din sa panahon ng krisis ang mga frontliners at medical workers.


Sila ang buhay na bayani sa ating panahon!


◘◘◘


BATAY sa Quezon province website, gumastos ng mahigit P102 milyon ang lokal na pamahalaan sa personal services noong 2019 kumpara sa mahigit P88 milyong gastos noong 2018.


Bunga ng streamlining policy ng pamahalaan, ipinanukala sa 2020 budget na nararapat gumastos ang lalawigan ng P75.5 milyon para sa personal services.


Pero nasaan ang nsturang pondo?


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page