5th win target ng SGA, para syut na sa q'finals
- BULGAR
- Jan 26, 2024
- 2 min read
ni Anthony Servinio @Sports | January 25, 2024

Laro ngayong Huwebes – Al Nasr Stadium
1:15 AM Al Ahly Tripoli vs. Strong Group
Umarangkada sa kanilang ika-apat na sunod na panalo ang strong group athletics ng pilipinas laban sa beirut ng lebanon, 95-73, sa pagpapatuloy ng 33rd dubai international basketball championship sa al nasr stadium miyerkules ng madaling araw. nangibabaw muli ang kalidad ni kevin quiambao at isa na lang ang kanilang kailangan upang walisin ang elimination round.
isang minuto lang hinawakan ng beirut ang lamang, 3-2, sa tres ni mohamad ali haidar. mula roon ay nagsama sina dwight howard, jordan heading, allen liwag at quiambao upang angkinin ang first quarter, 32-20, kung saan may siyam na maagang puntos si quiambao.
nagtapos si quiambao na may 20 puntos mula sa apat na three-points. sumunod sina mckenzie moore na may 19, heading na may 15, howard na may 11 at reserba joel cagulangan na iginunita ang kanyang kaarawan na may 12.
umani ng pansin ang husay ni quiambao kaya lumitaw ang usapin na aalukin siya maging ng mamamayan ng united arab emirates. sa ngayon, may balakid na matuloy ang panukala dahil nakapaglaro na siya sa gilas pilipinas senior men’s team.
hahanapin ng sga ang perpektong 5-0 kartada kontra sa kapwa walang talo na al ahly tripoli ng libya ngayong huwebes simula 1:15 ng madaling araw, oras sa pilipinas. pangungunahan ang mga libyan ni dating tnt import tony mitchell na ngayon ay mamamayan na rin ng nasabing bansa.
mahalaga na magtapos ng numero uno ang sga upang makakuha ng “magaan” na kalaro sa quarterfinals sa enero 26 at iwasan ang maagang tapatan sa defending champion al riyadi ng lebanon na sigurado na magiging numero uno sa kabilang grupo. kung hindi papalarin, magtatapos ang sga ng pangalawa at maaaring harapin ang al riyadi sa semifinals sa 27 imbes na sa championship sa 28.








Comments