top of page

51 Pinoy na biktima ng human trafficking, balik-bansa na

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 days ago
  • 1 min read

ni Gina Pleñago @News | February 10, 2026



51 Filipino HTVs from Cambodia, who safely arrived at NAIA Terminal 1 in Pasay City - Department of Migrant Workers

Photo: Department of Migrant Workers



Ligtas na dumating sa bansa ang panibagong batch na 51 Pilipinong biktima ng human trafficking sa Cambodia.


Lulan ang mga Pinoy ng Philippine Airlines (PAL) flight PR2622 na dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1.


Ito ang panibagong batch sa ilalim ng pinagsamang repatriation at rescue efforts na pinangunahan ng Department of Migrant Workers (DMW) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).


Bilang bahagi ng agarang tulong, nagbigay ang OWWA ng financial assistance, pagkain, pansamantalang matutuluyan, land at domestic transportation assistance, partikular sa mga kababayang uuwi sa kani-kanilang mga lalawigan.


Isinailalim din ang mga biktima sa initial briefing, profiling, at kaukulang assessment, bago i-turnover sa mga kinauukulang ahensya para sa karagdagang tulong, rehabilitasyon, at reintegration bilang bahagi ng kanilang recovery process.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page