top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

500K food packs, inihanda ng DSWD6 lugar, isinailalim na sa Signal No. 1 dahil kay ‘Paeng’

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 27, 2022
  • 2 min read

ni Lolet Abania | October 27, 2022


Anim na lugar ang isinailalim na sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 1, habang ang Tropical Depression Paeng ay lumakas pa at maging isang tropical storm ngayong Huwebes ng umaga, ayon sa PAGASA.


Sa kanilang 11AM bulletin, sinabi ng PAGASA, [“Paeng intensified into a tropical storm at 8 a.m. and] further intensification is likely while moving over warm waters of the Philippine Sea.”


Sa forecast ng state weather bureau, si ‘Paeng’ ay aabot sa severe tropical storm category sa loob ng 24 oras na posible pang lumakas at maging isang typhoon sa Sabado.


“The occurrence of rapid intensification in the next 72 hours is not ruled out,” sabi ng PAGASA.


Ang mga lugar na isinailalim ng state weather bureau sa TCWS No. 1 ay Catanduanes; eastern portion ng Albay (Rapu-Rapu); eastern portion ng Sorsogon (Prieto Diaz, Gubat, Barcelona, Bulusan, Santa Magdalena, Irosin, Juban, Casiguran, City of Sorsogon); Eastern Samar; Northern Samar at Samar.


Anang ahensiya, bandang tanghali ngayong Huwebes, namataan si ‘Paeng’ sa layong 540 kilometro silangan ng Borongan City, Eastern Samar, na may maximum sustained winds na 65 km kada oras at gustiness na aabot hanggang 80 km/h, at kumikilos ito kanluran pahilagang kanluran ng 10 km/h.


Ayon sa PAGASA, mula madaling-araw ng Biyernes hanggang gabi, asahan na ang katamtaman hanggang sa malakas at paminsan-minsang intense rains sa Bicol Region at Eastern Visayas, habang mahina hanggang sa katamtaman at paminsan-minsang malalakas na mga pag-ulan ang posibleng maranasan sa MIMAROPA, BARMM, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Caraga, Quezon, Cagayan, Isabela, Apayao, Aurora, at natitirang bahagi ng Visayas.


Sinabi naman ng PAGASA na mula Biyernes ng gabi hanggang Sabado, makararanas ng malakas hanggang sa torrential rains sa Bicol Region, Northern Samar, at Quezon.


Habang posible rin ang katamtaman hanggang sa malakas at paminsan-minsang intense rains sa Metro Manila, Western Visayas, Aurora, Bulacan, Mindoro Provinces, Marinduque, Romblon, eastern portions ng Cagayan at Isabela, at natitirang bahagi ng Eastern Visayas, at CALABARZON.


Gayundin, mahina hanggang katamtaman na paminsan-minsang malakas na mga pag-ulan ang asahan sa Cordillera Administrative Region, Zamboanga Peninsula, BARMM, at natitirang bahagi ng Visayas, Cagayan Valley, Central Luzon, at MIMAROPA.


“Due to the shearline trough of Paeng, heavy rains are possible over Visayas, most of Southern Luzon, and the northern portion of Mindanao,” sabi pa ng PAGASA.


Samantala, sinuspinde na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang lahat ng sasakyang pandagat na bibiyahe patungong Northern Samar dahil kay ‘Paeng’.


“In this regard, all trips en route to Northern Samar are hereby suspended due to Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 being hoisted by PAGASA,” pahayag ng PCG.


“Moreover, fishing boat, and other small watercraft are not allowed to venture out at sea,” dagdag ng PCG.


Gayundin, ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay naka-posisyon na kaugnay sa mahigit 500,000 food packs para sa mga residente bilang paghahanda sa Bagyong Paeng.


“As of this morning, mayroon tayong 561,259 family food packs na available o nagkakahalagang P352 million at iba pang food and non-food items na nagkakahalaga ng P689 million na nakapre-position sa iba’t ibang strategic locations. Handa po ang DSWD sa pagdating nitong Bagyong Paeng,” saad ni DSWD


Undersecretary Eduardo Punay sa isang public briefing ngayong Huwebes.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page