top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Pera, alahas ng amo tinangay, 18-anyos na maid, timbog

Writer: BULGAR
BULGAR
1 hour ago
1 min read

ni Janice Baricuatro @News | September 23, 2026



Pera, alahas ng amo tinangay, 18-anyos na maid, timbog

Photo: File



Tinatayang nasa kalahating milyong pisong halaga ng pera, alahas at iba pang gamit ang natangay umano ng isang 18-anyos na kasambahay at kasabwat nito sa Brgy. Banaba Cerca, Indang, Cavite, kamakalawa ng gabi.


Arestado ang kasambahay na si alyas Leah matapos i-report ng kanyang amo na si alyas Henry, 62, sa barangay ang insidente.


Batay sa CCTV, naiwan ang suspek at ang ina ng biktima na 82-anyos at doon pumasok si Leah sa kuwarto ng kanyang amo at kinuha ang mga gamit sa drawer ng cabinet.


Bago nito, nakita rin siyang may kausap sa cellphone. Inilagay niya sa paper bag ang mga ninakaw bago dumating ang isang lalaking nakamotorsiklo na pinag-abutan niya nito. 


May isa pang paper bag na nakita sa gilid ng bahay na naglalaman din umano ng pera, alahas at iba pang gamit.


Nakakulong at nahaharap sa kaukulang mga kaso si Leah, habang pinaghahanap pa ang kanyang kasabwat.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page