Tigil-pasada sa Sept. 29 at 30

ni Mervin Reyes @News | September 23, 2026

Photo: File
Magsasagawa ng dalawang araw na nationwide transport strike ang transport group na PISTON sa Setyembre 29 at 30 bilang protesta sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.
Ayon kay PISTON president Mody Floranda, lalahok sa tigil-pasada ang mga driver at operator, gayundin ang mga labor at urban poor groups.
Layunin ng protesta na himukin ang pamahalaan na agarang kumilos laban sa sunud-sunod na oil price hikes.
Sinabi ni Floranda na magpapatuloy ang kanilang mga protesta hangga't hindi inaalis ang excise tax at value-added tax sa mga produktong petrolyo upang mapababa ang presyo ng langis.





Comments