500-K doses ng Sinovac mula China, dumating na!
- BULGAR
- Apr 13, 2021
- 1 min read
ni Ka Ambo - @Bistado | April 13, 2021
Dumating na muli ang 500,000 doses ng Sinovac mula China.
Bahura o bakuna?
◘◘◘
NAGPAOSPITAL si Presidential spokesperson Harry Roque.
Mabuti’t tinanggap siya!
◘◘◘
MATUTURUKAN na ng COVID vaccine ang mga ordinaryong obrero ngayong Mayo at Hunyo.
‘Yan ay kung gusto nila!
◘◘◘
MAS marami ang ayaw magpaturok ng COVID vaccines.
Malaking problema ‘yan!
◘◘◘
KAILANGANG makaisip ng paraan ang gobyerno kung paano maaakit nang todo ang ordinaryong Pinoy na magpabakuna kontra COVID.
May epektibong rekomendasyon tayo riyan: Pwes, ang Sinovac ay lagyan ng “glutathione”.
Tiyak na magkakandarapa ang mga ‘yan!
◘◘◘
APEKTADO ng negatibong ulat ng media ang mga tao.
Natatakot silang makaranas ng side effects!
◘◘◘
SA totoo lang, halos lahat ng bakuna ay may side effects kapag itinurok.
Ang side effects tulad ng sinat o mahinang lagnat at senyales na tumalab ang bakuna at nag-react ang immune system!
◘◘◘
KAPAG walang naramdaman anumang side effects matapos magpabakuna, ‘yan ay malaking problema rin.
Baka “softdrinks” ang itinurok sa benepisaryo?
◘◘◘
SA totoo lang, nakapagbakuna na ang kaming mag-asawa dahil sa pagiging frontliner.
Kaming mag-asawa ay tinurukan ng AstraZeneca.
Nakaranas kami ng kaunting pananakit ng katawan matapos ang 24-oras ng pagturok!
◘◘◘
ANG ibang tinurukan ng Sinovac at walang naranasan anumang sintomas maliban sa kirot ng karayom.
May talab kaya ang Sinovac.
Isang malaking tanong ‘yan!
◘◘◘
PINANINIWALAANG bumababa na ang transmission rate ng COVID.
Diretso na sana ‘yan pabulusok sa graph!
◘◘◘
PINAIINIT ang isyu sa West Philippine Sea upang i-discredit ang China.
Kagagawan ‘yan ng mga espiya!





Comments