50 jeep, van na inarkila ng mga raliyista, hinarang ng LTO

ni Mervin Reyes @News | November 17, 2026

Photo: File / LTFRB / ASEAN
Hinarang at sinita ng Land Transportation Office (LTO) ang halos 50 pampasaherong jeepney at van sa Mabuhay Rotonda sa Quezon City habang ginaganap ang 49th ASEAN Summit.
Sa isinagawang operasyon, aabot sa 20 sasakyan ang tiniketan dahil sa ilegal na pamamasada o out-of-line.
Samantala, pinayagang magpatuloy sa biyahe ang iba matapos mapatunayang pribadong sasakyan ang mga ito.
Inamin naman ng ilang jeepney driver na inarkila sila ng mga raliyista upang sumama sa kilos-protesta na isinagawa sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City.
Sinita ang mga sasakyan bilang bahagi ng pagpapatupad ng mga regulasyon sa pampublikong transportasyon habang isinasagawa ang mga aktibidad kaugnay ng ASEAN Summit.
Tiniyak ng LTO na magpapatuloy ang kanilang operasyon laban sa mga colorum at overloaded na sasakyan upang matiyak ang pagsunod sa mga patakaran sa kalsada.
Katuwang ng ahensya sa mga operasyon ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at PNP Highway Patrol Group.





Comments