top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

50% efficacy ng Sinovac, pinatunayan ng Brazil gov’t.

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 14, 2021
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | January 14, 2021



SOTTO, KINAMPIHAN ANG PAGTATARAY NI ROQUE SA PUBLIKO—Para kay Senate Pres. Vicente “Tito” Sotto III, hindi “big deal” ang ginawang pananaray ni Presidential spokesman Harry Roque sa taumbayan nang pagsabihang huwag maging ‘choosy’ ang publiko sa bakunang pangontra COVID-19.


Ang gusto kasi ng taumbayan, kung hindi Pfizer na made in Amerika ay AztraZeneca na made in Europe kaysa sa inangkat ng Duterte gov’t. na gawang China na Sinovac, at ang kagustuhang ‘yan ng mamamayan ang dahilan kaya sinabihan ni Roque ang publiko na huwag maging pihikan sa bakuna.


Dahil kinampihan ni Sotto si Roque, lumalabas na aprub pala sa kanya na tinataray-tarayan nang ganyan ng presidential spokesman ang taumbayan, pwe!


◘◘◘


PAHAYAG NG DOST NA 50% LANG ANG EFFICACY NG SINOVAC, PINATOTOHANAN NG BRAZIL—Sa ginawang pagsusuri ng Brazil sa Sinovac, lumabas na 50.4% lang ang efficacy nito, na nagpapatotoo sa pagsusuri ng Department of Science and Technology (DOST) na 50% lang ang efficacy ng bakunang ito.


Naku, baka masayang lang ang pera ng taumbayan kapag Sinovac ang ipinilit ng Duterte gov’t. na bilhin. Baka kapag nasa Pilipinas ay tumangging magpabakuna ang mga Pinoy, dahil 50% lang pala ang efficacy, ibig sabihin ay wala palang katiyakan kung maliligtas ang publiko, boom!


◘◘◘


IPALIWANAG ANG KABUTIHANG DULOT NG SINOVAC—Kung nais ng Duterte gov’t. na Sinovac ang ipangturok sa mamamayan, dapat ipaliwanag kung ano ang kabutihang dulot nito kahit sobrang mahal ang pressyo at 50% lang ang efficacy nito.


Ang masaklap, imbes na ipaliwanag, tinataray-tarayan pa ng spokesman ni P-Duterte ang mamamayan, na huwag daw maging pihikan sa bakuna, at ‘yung mga ayaw sa bakunang ito ay huwag na lang magpabakuna, buwisit!


◘◘◘


SANA HINDI PRESS RELEASE LANG ANG PAGBILI NG AZTRAZENECA PARA PAGTAKPAN ANG GALIT NG MGA PINOY KINA DUQUE AT ROQUE—Sabi ni Vaccine czar, Ret. Gen. Carlito Galvez ay aangkat na ang Philippine gov’t. ng 20 million doses ng bakunang AztraZeneca na made in Europe.


Sana nga totoo ‘yan, at hindi press release lang para mapagtakpan ang galit ng taumbayan sa sinabi ni DOH Sec. Francisco Duque na Sinovac ang ipangtuturok sa mga Pinoy at sa pagtararay ni Roque sa publiko na huwag maging choosy sa bakuna, period!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page