top of page

50-anyos na, ‘di na raw kaya ng likod… AIKO, ‘DI NA FEEL MAGKAANAK KAY ONEMIG

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 9 hours ago
  • 3 min read

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | February 28, 2026



Aiko Melendez at Onemig Bondoc

Photo: IG @uno_111



“I feel it in my heart that he’s my end game,” ito ang pag-amin ni Konsehala Aiko Melendez tungkol sa relasyon nila ni Onemig Bondoc.


Dagdag pa niya, “He takes care of me talaga, I’m spoiled. Parang ngayon ko lang naramdaman how to be treated like a queen. Tapos Facetime ‘pag umuwi ako, Facetime bago matulog, nakatutok naman talaga sa akin.”


Sa tanong kung plano pa nilang magkaroon ng sariling anak, “I can’t have baby anymore, I cannot. ‘Di na kaya ng likod ko, 50 na ako. Hahaha! Mahal magpaaral.”

Menopause na ba si Aiko? 


Sagot niya, “Pre-menopausal pa lang.”

Inamin din naman ito ni Onemig na binakuran na niya si ‘Honey Aiko’ niya nang malamang single na ito sa loob ng walong buwan. At simula noon ay hindi na niya tinantanang tawagan kahit nasa Amerika siya at baligtad ang oras, lagi siyang nag-a-adjust.


Hindi naman itinago ni Onemig na sa loob ng 29 years ay hindi nawala sa puso niya si Aiko kahit nagkaroon siya ng maraming relasyon at flings. 


Hindi rin naman daw siya nag-expect na muli silang magtatagpo pagkalipas ng halos tatlong dekada.


Going back to Aiko, “Sa kanya lang ako naging komportableng pag-usapan ang lahat, walang filter, ‘di ako natatakot ma-judge, ‘di de-numero ang kilos ko na kailangan ganito ako in public at tanggap n’ya ako kung sino ako.”


Sa apat na naging relasyon ng aktres-pulitiko ay ikinasal siya sa dalawa – kina Jomari Yllana na ama ni Andre Yllana at Martin Jickain na tatay naman ni Marthena Jickain.

Ayaw namang ikumpara ni Aiko si Onemig sa apat na nakarelasyon, pero aminado siyang ngayon lang siya naging vocal o showy sa mga posts niya nang sila na ng binatang amang may tatlong anak na 18, 12, at 6 taong gulang.


“‘Di ako showy talaga. I just post before ‘pag may kailangan, nangangampanya, Valentine’s at iba pang okasyon. So this is the first time talaga na all-out,” esplika ni Aiko.


Kung apat ang naging dyowa ni Aiko, pito naman ang naging seryosong relasyon ni Onemig, kasama na ang babaeng pinakasalan niya na isang model at nanay ng dalawa niyang anak, at ang dating artista na ina naman ng bunso.





Inamin ni Aiko na sobrang saya nilang dalawa ng boyfriend niya dahil sa edad nilang 50 at 48 ay posible palang maging ganito sila kasaya at kakilig. Kaya payo rin niya sa ibang hopeless romantic, walang imposible sa nagmamahal nang totoo.


“My mom loves him. Inihatid n’ya ako sa bahay noon, sa lahat ng nanligaw sa akin, si Onemig ang natandaan n’yang mukha, suot, pati ‘yung kulay ng sombrero from the window. Hindi ko alam what’s with him bakit natandaan s’ya ng mommy ko,” kuwento ni Aiko. 

Kaya boto ang Mommy Elsie Gatchalian niya sa dating aktor ay dahil hindi niya ito nakalimutan.


Kuwento rin ni Onemig na gustung-gusto rin ng daddy niya si Aiko. 

Sey niya, “My dad kasi, tahimik lang ‘yun, ‘di nakikipag-usap kung kani-kanino, pero nu’ng hinarap ko si Aiko sa daddy ko, grabe ang smile ng daddy ko, hanggang sa tenga. S’ya lang ‘yung girl na ipinakilala ko na talagang kinausap at kami pa ‘yung nagpaalam na, ‘Dad, kailangan na naming umalis.’”


Sey ni Aiko, sa kuwentuhan nila ng tatay ni Onemig, binanggit nito ang kanilang mga properties na puwede nilang pasyalan at niyaya siyang mangibang-bansa na sobrang ipinagpapasalamat ng konsehala ng ika-limang distrito ng Quezon City.


“And what’s sweet about Tita Milo, mom ni Onemig, she gave me a dress. Nagtaka nga ako kasi alam na alam n’ya ‘yung size ko, sobrang sukat na sukat ‘yung dress na ibinigay n’ya sa akin,” sey ni Aiko.


Samantala, hindi pa raw nagkakakilala nang personal ang mga anak nilang dalawa dahil sa busy schedules, pero nakilala na nina Aiko at Onemig ang anak ng bawat isa at iisa ang mga sinabi, “Boto kami at masaya kami for both of you.” 


Pero ang bunsong anak ni Onemig Bondoc ay sinabihan siyang pakasalan na nito ang Tita Aiko Melendez niya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page