top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

5 yrs. old pa lang… ANAK NINA ROBIN AT MARIEL, PAG-AASAWA NA ANG NAIISIP

BULGAR
Jun 17, 2022
1 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | June 17, 2022



Bago matulog ay nakipag-bonding muna si Senator-elect Robin Padilla sa dalawa nilang anak ni Mariel Padilla na sina Isabella at Gabriella.


Halos kararating lang ng mag-anak mula sa Espanya kung saan doon sila nagbakasyon pagkatapos ng national elections nu'ng May 9.


Sa uploaded video ni Mariel ay nag-uusap ang mag-amang Robin at Isabella. Nawindang ang actor-pulitiko sa sinabi ng anak.


Heto ang uploaded conversation nina Robin at Isabella.


Sabi ni Mariel, “After mag-Senado, alaga naman sa mga may jetlag. Tatay mode naman. “Isabella: ‘Tatay, you’re nanay’s husband.'


“Robin inaantok.


“Isabella: ‘When I grow up, Nanay, I am going to have a husband.’


“Mariel: ‘Haha! Yes, when you are older.’


“Robin: ‘That is a very, very, very, very, very long time. Husband is for old people. Nanay is old.’

“Isabella: ‘Awww. Takes so long to have a husband.’


“Robin: ‘Matutulog na ako. Ano ba 'yang mga nilalaro n'yo?'"


Hahahaha! Sa edad ni Isabella na magsi-six pa lang, ang nasa isip pala niya ay ang pag-aasawa.


Nakikita siguro niya kung papa'no magmahalan ang kanyang ina't ama.


Ngayong isa nang pulitiko si Robin, malamang, ang susunod na sasabihin ni Isabella sa mga magulang ay gusto rin niyang maging senador tulad ng kanyang ama.


Well, si Robin ay isang mapagmahal na ama. Happy nga si Mariel dahil good provider at mapagmahal na asawa raw talaga ang kanyang mister lalo na sa mga anak nito, hindi lang kina Isabella at Gabriella kundi sa iba pang mga anak ni Robin.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page