top of page

5 yrs. age gap ni Cristine, tanggap… "GUSTO KO, MATANDA" — MARCO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 23, 2023
  • 1 min read

ni Nitz Miralles @Bida | July 23, 2023



Tumatak ang sagot ni Marco Gumabao na “Gusto ko, matanda” at sagot ni Cristine Reyes na “Mas bata” sa tanong kung ano ang mas preferred nilang makarelasyon.


Dagdag pa ni Marco, “Gusto ko, matanda sa akin ng five years.”


Si Cesar Montano naman, mas gusto sa karelasyon ang mas bata.


At kaya sila natanong, dahil sa Minsan Pa Nating Hagkan ang Nakaraan, makakarelasyon ni Cenon (Cesar) si Helen (Cristine) na mas bata sa kanya.


Also, ibinigay sigurong example ni Marco ang real-life relationship nila ni Cristine who is older than him by five o six years.


Marco is 28 years old at turning 29 sa birthday niya sa August 14 at si Cristine naman ay 34 years old.


Kung titingnan ang dalawa, hindi ang age gap nila ang mapapansin kundi kung gaano sila kakomportable at gaano kasaya na magkasama.


The two are very much in love with each other, hayaan na natin ang mga mahilig mag-isyu ng age gap sa mga couples na older ang girl sa guy.


Samantala, dumating sa pilot screening ng Minsan Pa Nating Hagkan ang Nakaraan ang sister at mom ni Cristine na sina Ara Mina at Frances Marie Klenk respectively.


Proud tiyak ang sister at mom ni Cristine sa positive feedback ng press, audience at maging ni Cesar Montano sa acting ni Cristine na magaling daw talaga.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page