top of page
Kim Chiu - IG.jpg

5-year term ng Brgy. at SK officials, lusot na

Writer: BULGAR
BULGAR
15 minutes ago
1 min read

ni Mylene Alfonso @News | September 15, 2026



Sa ilalim ng panukalang inisponsor ni Sen. Francis Escudero, papayagan ang dalawang termino para sa mga opisyal ng barangay at isang termino para sa mga opisyal ng SK.

Photo: Senate of the Philippines



Inaprubahan ng Senado sa ikatlo at pinal na pagbasa ang panukalang batas na magtatakdang 5-taong termino para sa mga opisyal ng barangay at Sangguniang Kabataan (SK).


13 senador ang bumoto pabor sa Senate Bill No. 2387, habang lima ang tumutol—sina Senate President Pro Tempore Vicente “Tito” Sotto III at Senators Risa Hontiveros, Bam Aquino, Kiko Pangilinan, at Joel Villanueva. Wala namang nag-abstain.


Sa ilalim ng panukalang inisponsor ni Sen. Francis Escudero, papayagan ang dalawang termino para sa mga opisyal ng barangay at isang termino para sa mga opisyal ng SK.


Dahil dito, ipagpapaliban din ang Barangay at SK Elections na nakatakda sa Nobyembre 2, 2026, at ililipat sa ikalawang Lunes ng Nobyembre 2028.


Naaprubahan na rin ng Kamara ang kaparehong panukala kaya isusunod itong talakayin sa bicameral conference committee bago isumite kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa kanyang lagda.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page