top of page
BINI Gwen.jpg
Search

by BRO @News | September 27, 2026



Courtesy- Bongbong Marcos _ Facebook

Photo: Bongbong Marcos / Facebook



Hahamunin sa Supreme Court ang bagong batas na nagpaliban sa barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE) sa 2028 at nagpalawig sa termino ng mga kasalukuyang opisyal.


Ayon kay election lawyer Romulo Macalintal, maghahain siya ng petition para kuwestiyunin ang tatlong taong dagdag sa termino ng incumbent barangay at SK officials nang walang panibagong halalan.


Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Republic Act No. 12326 noong Setyembre 24, na naglipat sa BSKE mula Nobyembre 2, 2026 sa Nobyembre 13, 2028.


Kinuwestiyon din ng ilang election watchdog at civil society groups ang timing ng postponement dahil kasabay ito ng 2028 presidential at national elections.

 
 

ni Mylene Alfonso @News | September 25, 2026



Bongbong Marcos - Presidential Communications Office

Photo: File / PCO



Pirma na lamang ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang hinihintay upang tuluyang maisabatas ang pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) mula Nobyembre 2026 patungong 2028.


Ayon kay Senate President Sherwin Gatchalian, wala siyang nakikitang senyales na ibe-veto ng Malacañang ang panukala at inaasahan niyang malalagdaan ito ngayong linggo, bago magsimula ang paghahain ng Certificates of Candidacy (COCs) sa Setyembre 28.

“Wala naman akong nababalitaan na ibe-veto nila ng Malacañang. So, masa-sign 'yun anytime, maybe this week,” wika ni Gatchalian.


Kapag nalagdaan, ang susunod na BSKE ay gaganapin sa ikalawang Lunes ng Nobyembre 2028, habang magiging limang taon ang termino ng mga opisyal ng barangay at Sangguniang Kabataan.


Samantala, iginiit ng Commission on Elections (Comelec) na magpapatuloy ang paghahanda para sa halalan at ang COC filing hangga't wala pang umiiral na batas na opisyal na naglilipat ng petsa ng eleksyon.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page