top of page
TEKA NGA - PASABOG NI XIAN GAZA NA NANGHIRAM NG CONDO AT LUXURY WATCHES SI ALDEN, SUPOT-FB

5 huli sa akto sa droga

Writer: BULGAR
BULGAR
4 hours ago
1 min read

ni Maeng Santos @News | October 26, 2026



Drug shabu

Photo: File



Mahigit P200K halaga ng shabu ang nasamsam sa limang drug suspects matapos maaresto sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Navotas at Valenzuela Cities.

Nagkasa ang mga tauhan ni NPD Director P/BGen. Benliner Capili ng buy-bust operation sa koordinasyon sa PDEA, kasunod ng natanggap na impormasyon hinggil sa umano'y illegal drug activities ng dalawang lalaki na edad 30 at 57.


Hindi na nakapalag ang mga suspek nang dambahin ng mga operatiba sa Brgy. Tangos South alas-6:36 ng umaga matapos bentahan ang isang pulis na nagpanggap na buyer.

Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 15.6 grams ng suspected shabu na nagkakahalaga ng P106,080 at buy-bust money.


Nauna rito, alas-4:45 ng madaling-araw nang maaresto ng mga operatiba ng DDEU ang dalawang lalaki na edad 31, at 42, at 54-anyos na babae sa buy-bust sa Sagip St., Phase 2, Brgy. Arkong Bato, Valenzuela City.


Nasamsam sa kanila ang nasa 14.8 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P100,640 at buy-bust money.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page