5 dedo sa leptos
- BULGAR

- 4 hours ago
- 1 min read
by Mai Ancheta @News | August 23, 2026

Photo: NKTI - National Kidney and Transplant Institute
Nakapagtala na ng limang patay dahil sa sakit na leptospirosis ang National Kidney and Transplant Institute (NKTI) matapos ang ilang linggong malakas na pag-ulan at pagbaha dulot ng habagat.
Ang limang nasawi ay simula noong June 1 at nakapagtala ang NKTI ng 19 na kaso ng leptospirosis.
Karamihan sa mga nasawi ay lumusong sa mataas na baha para makapasok sa trabaho at pinasukan ng mikrobyo mula sa bukas na sugat at kinailangang isailalim sa peritoneal dialysis at hemodialysis.
Ayon kay Dr. Arlene Lamban-Crosson, nephrologist ng NKTI, karamihan sa mga na-admit na pasyente ay nabigong mapansin ang sintomas ng leptos at huli na nang malaman at malala na ang kanilang sakit.
Sa San Lazaro Hospital ay umabot na sa 50 ang kaso ng leptospirosis, at dalawa na ang naiulat na nasawi.
Nanawagan ang Department of Health sa publiko na iwasang lumusong sa tubig-baha lalo na kung mayroong sugat, at hanggat maaari gumamit ng bota at takpan ang sugat.





Comments