top of page
TEKA NGA - KIM, BIGLANG INIWAN ANG CAREER SA ‘PINAS PARA TUMIRA SA CANADA_IG _chinitaprinc

5-anyos nadaganan ng sasakyan, dedo

Writer: BULGAR
BULGAR
37 minutes ago
1 min read

by Jeff Tumbado @News | October 12, 2026



5-taong gulang na babae habang sugatan naman ang kanyang ina nang madaganan sila ng isang sasakyang bumaliktad sa paahon na kalsada sa bayan ng Bagumbayan, Sultan Kudarat - Circulated - Jake A V

Photo: Bagumbayan, Sultan Kudarat - Circulated - Jake A V



Patay ang isang limang taong gulang na babae habang sugatan naman ang kanyang ina nang madaganan sila ng isang sasakyang bumaliktad sa paahon na kalsada sa bayan ng Bagumbayan, Sultan Kudarat Sabado ng hapon, Oktubre 10.


Sa inisyal na ulat ng Bagumbayan Municipal Police Station (BMPS), naganap ang insidente alas-4:30 ng hapon sa Purok Sambag, Brgy. South Sepaka.


Sinasabing paakyat sa kalsada ang isang puting Midi Gratour na minamaneho ni alyas Jerry, nang biglang mamatay ang makina nito.


Dahil dito, umatras ang sasakyan at bumaliktad hanggang madaganan ang batang babae at ang kanyang ina na kinilalang si "RaySalik," ng Lake Sebu, South Cotabato.


Nakakulong na ang drayber ng sasakyan at inihahanda ang kaukulang mga kaso laban sa kanya. 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page