5.7 toneladang cocaine, narekober sa UK
- BULGAR

- Feb 23, 2024
- 1 min read
ni Eli San Miguel - Trainee @News | February 23, 2024

LONDON — Inanunsiyo ng mga otoridad ng Britain na narekober nila ang 5.7 toneladang cocaine sa isang daungan sa timog-kanluran ng England, at itinuturing ito na pinakamalaking natuklasang ilegal na droga sa UK.
Nagkakahalaga ang natuklasang kargamento ng tinatayang 450 million pounds ($570 milyon) batay sa street price sa UK. Natagpuan ito noong Pebrero 8 sa Southampton Port, na nakatago sa isang container na isinama sa shipment ng saging mula sa South America.
Sinabi ng National Crime Agency (NCA) ang hinala nila na patungo ang shipment sa Port of Hamburg sa Germany. Sinusubukan nilang makipag-ugnayan sa mga internasyonal na ahensya sa buong Europe upang matukoy ang mga sangkot sa pagpapadala ng droga.
“This record-breaking seizure will represent a huge hit to the international organized crime cartels involved, denying them massive profits,” pahayag ni NCA Director Chris Farrimond.
Noong taong 2022, nasa 3.7 toneladang cocaine sa Southampton Port ang pinakamalaking narekober na droga sa UK.




Comments