- BULGAR
45 Mangyan sa Oriental Mindoro, nadale ng typhoid fever
ni Lolet Abania | September 12, 2022

Nasa 45 na indigenous Mangyans sa bayan ng Mansalay sa Oriental Mindoro ang tinamaan ng typhoid fever, ayon sa mga awtoridad.
Batay sa Mansalay Municipal Health Office, ang mga biktima ay nakaranas ng pagsusuka, lagnat at diarrhea.
Walo sa mga nagkasakit na Mangyan ay agad na dinala sa ospital.
Ayon sa mga awtoridad, ang pinagmumulan ng tubig o water source sa komunidad ay kontaminado ng E. coli.
Paalala naman sa mga ito na pakuluan muna ang kanilang tubig na nakukuha bago nila ito inumin.
Gayundin, upang maiwasan ang typhoid fever, pinayuhan ng mga awtoridad ang mga residente na magpabakuna na at panatilihin na malinis ang kanilang kapaligiran.