Edad 23, kulong sa baril

ni Maeng Santos @News | October 11, 2026

Photo: File
Kulong ang 23-anyos na kelot na nag-iingat umano ng hindi lisensyadong baril nang salakayin ng pulisya ang kanyang bahay sa bisa ng isang search warrant sa Navotas City.
Sa ulat ng tanggapan ni NPD Director P/BGen. Benliner Capili, nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ni Navotas Police Chief P/Col. Renante Pinuela na ilegal umanong nag-iingat ng baril si alyas Timoy kaya nag-apply sila ng search warrant sa korte.
Nang mag-isyu ng search warrant ang Navotas Regional Trial Court (RTC), Branch 288, agad sinalakay ng pinagsamang mga operatiba ng Navotas CPS Intelligence Section, at SWAT Team ang bahay ng suspek.
Ala-1:25 ng hapon nang halughugin ng mga pulis sa bisa ng nasabing search warrant ang loob ng bahay ng suspek sa Brgy. NBBS Proper kung saan nasamsam ang isang kalibre .38 revolver na kargado ng dalawang bala na walang kaukulang mga dokumento.





Comments