top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

44 yrs. na ngayon… WISH NI JOEY: EB!, UMABOT NG 50 YRS!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 11, 2023
  • 1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | March 11, 2023




Dahil naging bahagi siya ng noontime show na Eat… Bulaga! for 21 years, medyo nalungkot din si Anjo Yllana nang mabalitaan ang mga isyu at kaganapan sa iniwang noontime show.


Tatak na ng EB! ang pagiging longest-running show sa 'Pinas. Marami nang shows ang tumapat, pero hindi nanalo sa ratings.


Mula Aparri hanggang Jolo, ang Eat… Bulaga! pa rin ang paboritong noontime show ng lahat.


Hindi pinagsasawaan ng publiko ang team nina Tito, Vic at Joey (TVJ) ganu'n din ang iba pang hosts na sina Jose Manalo, Allan K., Wally Bayola, Paolo Ballesteros, Ryan Agoncillo, Maine Mendoza, Ryzza Mae Dizon atbp..


Maraming natutunan si Anjo sa panahon ng kanyang pagiging co-host sa Eat… Bulaga!.


Naniniwala siya na maaayos din ang internal problem sa show at hindi ito basta mawawala sa ere.


Hindi puwedeng palitan ng bagong show ang EB!.


Wish ni Anjo Yllana ay matupad ang goal ni Joey de Leon na umabot nang 50 years (golden anniversary) ang Eat… Bulaga! na ngayon ay 44 yrs. na sa ere.


Samantala, matapos ang isang taon ng pamamahinga sa telebisyon ni Anjo Yllana ay may bago siyang show sa TV5 in cooperation with Cignal and Viva Entertainment, ang funseryeng Team A na pagbibidahan nina Kim Molina at Jerald Napoles kasama sina Yayo Aguila atbp..


Masaya at inspirado nang muli si Anjo dahil may bago siyang TV show. Linya naman talaga niya ang pagkokomedi kaya tiyak na swak na swak ang pagsasama nila nina Jerald, Kim at Yayo.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page