Search
  • BULGAR

44 Immigrations officials sa Pastillas scam, sinuspinde ng Ombudsman

ni Thea Janica Teh | October 27, 2020



Naghain ng suspension order nitong Lunes si Ombudsman Samuel Martires sa 44 opisyal ng Bureau of Immigrations dahil sa mga alegasyon na sangkot ang mga ito sa Pastillas Scam o pagbibigay ng suhol ng mga Chinese kapalit ng pagpasok ng mga ito sa bansa.


Hindi pinangalanan ni Martires ang mga sinuspindeng opisyal.


Ayon naman kay Senator Risa Hontiveros na isa sa mga nangungunang sumisiyasat sa Pastillas Scam, tinatayang nasa P40 bilyong halaga ng suhol ang nakuha ng mga naturang opisyal sa visa upon arrival system (VUA) ng Immigration Bureau.


Base sa record ng Immigration Bureau, umabot sa 4 milyong Chinese citizens ang nakapasok sa Pilipinas simula pa noong 2017. Noong Enero, sinuspinde ang VUA policy dahil sa COVID-19 pandemic.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.