top of page
Search
  • BULGAR

41 patay sa matinding pagbaha sa New York

ni Lolet Abania | September 3, 2021



Tinatayang nasa 41 katao ang namatay sa lugar sa New York nitong Huwebes nang gabi matapos ang matinding pagbaha na dulot ng Hurricane Ida, kabilang dito ang mga nasawi sa kanilang mga basements sa itinuturing na “historic” weather event na ayon sa mga opisyal ay dahil sa climate change.


Sa nai-record na mga pag-ulan, agad naglabas ng biglaang flash flood emergency warning sa New York City dahil naging ilog ang mga kalye rito habang nai-shut down ang mga subway services sanhi ng pag-apaw ng tubig na umabot sa mga platforms.


Daan-daang flights ang nakansela sa LaGuardia at JFK airports, at sa Newark, kung saan makikita sa video sa isang terminal na binaha ng tubig-ulan.


“We’re all in this together. The nation is ready to help,” ani President Joe Biden na nauna nang tumungo sa kanyang trip sa southern state ng Louisiana.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page