40th EDSA People Power anniv... No permit, no rally
- BULGAR

- 18 hours ago
- 1 min read
ni Gina Pleñago @News | February 23, 2026

Photo: File
Sa ika-40 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution sa Miyerkules, Pebrero 25, 2026, mahigpit na ipatutupad ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang ‘no permit, no rally’ policy, kung saan inaasahang ilang grupo ang magkakasa ng kaliwa’t kanang protesta sa rehiyon.
“Ipatutupad natin ang no permit, no rally since kailangan nating makapag-prepare dahil dalawang malaking pagtitipon ito,” ayon kay NCRPO spokesperson Police Major Hazel Asilo.
Ayon pa kay Major Asilo, may isang grupo na silang nabigyan ng permit mula sa Trillion Peso March Movement upang magsagawa ng programa sa White Plains, Quezon City sa nasabing araw.
Aniya, magpapakalat din ang NCRPO ng nasa mahigit 14,000 pulis upang tiyaking magiging ligtas at mapayapa ang naturang protesta.
“The PNP is not your enemy. Hindi kami kalaban ng mamamayan. Nandito kami para tiyakin na ang bawat aktibidad ay magiging maayos, ligtas, at mapayapa. Habang iginagalang namin ang karapatan ng bawat isa na magpahayag, tungkulin naming panatilihin ang kaayusan at protektahan ang komunidad. Ang NCRPO ay patuloy na magsisilbi nang may disiplina, paggalang, at pananagutan,” ani Regional Director NCRPO PMaj. General Anthony Aberin.




Comments