400 armas nakumpiska, 500 ‘kubols’ winasak sa Bilibid – BuCor

ni Lolet Abania | March 19, 2022

Mahigit sa 400 deadly weapons o iba’t ibang armas ang nakumpiska habang 500 huts o “kubols” ang na-demolish ng mga awtoridad sa ginawang clearing operations sa loob ng New Bilibid Prison’s (NBP) maximum security compound nitong Biyernes, ayon sa Bureau of Corrections (BuCor).
Sinabi ni BuCor spokesperson Gabriel Chaclag, ang mga kubols na dinemolish ay matatagpuan sa bahagi ng west quadrant ng maximum security compound ng NBP.
Ayon din sa BuCor, ang mga kubols ay ginagamit umano ng mga persons deprived of liberty (PDL) na imbakan ng mga deadly weapons o mga nakamamatay na armas at iba pang mga kontrabando.
Gayundin, sa ginawang demolisyon nakasabat ang mga BuCor personnel ng ilang cellphones.
Ang mga apektadong PDLs naman ay nai-tranfer na sa bagong na-renovate na gusali sa loob ng NB, ayon pa kay Chaclag.





Comments